Landslide….bagyo…...global warming…..climate change...Ilan lamang ito sa mga delobyong nararanasan at kinkaharap ng sanlibutan.
Kailan lang isang mapinsalang bagyo ang pumukaw sa mga kababayan natin sa Hilagang Mindanao na dumanat ng biglang pagtaas ng tubig partikular na sa Cagayan de Oro at Iligan City noong Disyembre. Halos higit milyon ang naiwang pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong “Sendong” at maraming ari-arian ang natumba at naitaboy.Paano kaya nila sinalubong ang bagong taon ng masaya kung pasan nila ang problema at kamalasan na nangyari? Napag-alaman na isang posibleng dahilan ng mabilis na pagtaas ng tubig ay ang nakakalbong kabundukan na siyang gawa rin ng sangkatauhan. Wala naman tayong dapat isisi kundi ang ating mga sarili. Isa lamang ito sa mga kabayaran ng kalikasan sa ating nagawang kapabayaan. Kaya nararapat lang na atin ring maramdaman ang sakit at iyak ng kalikasan.
Kasunod nito ay ang pagguho ng lupa na naging sanhi ng pagkamatay ng higit 25 katao sa kabundukan ng Compostela Valley. Bakit? Ano ba ang puno’t dulo ng kaganapang ito?..Hindi ba’t tao rin?..Kung walang pagmimina mangyayari kaya ang pagguho? Oo nga, ito na ang pinagkukunan ng pera at hanapbuhay ng mga kababayan natin. E, bakit hindi ba pwede na pagkatapos ng pagmina ay agad na taniman ng mga puno?...Kung sila’y nakikinabang sa lugar nararapat lang na pangalagaan rin nila ito.
Dahil sa huli nga ang pagsisisi hindi na natin maibabalik pa ang pangyayari. Pero, may pag-asa pang di na maulit ang ang kaganapang ito. Sana ito’y magsilbing leksyon sa atin na alamin ang mahalagang ginagampanan papel ng mga puno sa buhay nating mga tao. Kaya simula ngayon atin nang bigyang importansya ang ating kalikasan o kabundukan nang sagayon hindi na maulit pa ang pangyayari. Nawa’y ang pagbabago ay magsisimula sa ating sarili, ngayon pa’y marami nang senyales na nagpapahiwatig ng pagkasira ng mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento