Biyernes, Enero 13, 2012



Kamao o Retiro?
Ni Karen Joy Demaraye
                
        Sa mahigit 15 taong namuhay si Cong. Manny Pacquiao sa pagboboksing, marahil ay panahon na para siya ay magretiro. Matapos ang halos sunod-sunod niyang pagkapanalo sa kanyang mga laban, napatunayan ni Manny Pacquiao na siya na ang “Hari ng Boxing” at maraming karangalan na ang kaniyang  naibahagi sa ating bansa. Kabi-kabila ang pagkilala sa kaniya bilang bagong bayani, simbolo ng tagumpay at ang lahat ng ito ay bukas upang pasukin niya ang mundo ng showbiz kung saan masasabing may maibubuga rin si Manny. Kabi-kabilang shows, tv endorsements at patalastas rin ang ibinahagi ni Pacquiao. Maging ang mundo ng recording ay nagbigay daan din sa kanyang  pagsikat na tinangkilik din naman ng mga umiidolo sa ating Pambansang Kamao. At nung nakaraang eleksyon nga ay pinasok na rin ni Pacquiao ang pagiging pulitiko kung saan siya tagumpay na inihalal bilang representante ng SARANGANI. Sa lahat nang mga ito na napagtagumpayan ni Pacquiao, maaari na siyang magpahinga sa mundo ng  boksing at ibuhos na lamang ang kanyang oras at atensyon sa kanyang mga kababayan upang mapagsilbihan niya ng maayos ang mga taong sa kanya ay lubos na nagtiwala.
Sa malaking halaga na kanyang kinita sa lahat ng kanyang pinasukang industriya, matagumpay itong nakamit ni Pacquiao at panahon na para siya ay tumutok sa isang bagay na lamang at iyon ay ang pagiging isang pulitiko dahil dito maraming umaasa sa kanyang serbisyo.



KABATAAN: PAG-ASA NGA BA NG BAYAN?
CHESTER IAN PINEDA


“Kabataan ang pag-asa ng bayan”- Jose Rizal        
                 Malaki ang ginagampanang papel ng mga kabataan sa pinakahihintay na pag-unlad ng ating bayan.Subalit paano natin makakamtan ang tagumpay kung ang mga kabataan mismo ang nagbibigay kahihiyan at sakit ng ulo ng ating lipunan?Maituturing pa rin kayang pag-asa ng bayan ang mga kabataan?
Karaniwang laman ng pambalitaan, panradyo man o pantelebisyon ang mga usaping tungkol sa Drug Addiction, early pregnancy, rape, dayaan(SK Election) atbp. na ilan lang sa mga kahihiyang kinasasangkutan ng mga kabataan. Ano ba ang dahilan at puno’t dulo ng karahasang ito? Hindi kaya’y kahirapan at kakulangan sa kalinga ng magulang ang nag-uudyok sa kanila upang gumawa ng di-kanais-nais na gawain.
Paano nalang kaya kung ang mga kabataan sa bansa ay perwisyo at pasakit sa sariling bayan? Mapasakamay pa kaya ang hinahangad na tagumpay kung ang mga kabataan ay mga rebelde sa sariling bansa? Sino ang susunod na magiging lider ng kasalukuyan kung ang mga kabataan sa ngayon ay marunong nang mandaya? Masakit man isiping na sa murang edad ng mga kabataan ay napapabayaan ang  kanilang pag-aaral at nilalagay sa peligro ang kani-kanilang buhay. Hindi ba pweding mamuhay ng matiwasay na walang sinasandalang mga illegal na droga, bisyo at kung anu-ano pa? bukod sa pinipeligro nito ang ating kalusugan nilalason pa nito ang ating mga isipan.
Nanaisin nalang ba natin na ang susunod na henerasyon ang magmamana ng mga masasamang nakaugalian na ipinagbabawal ng lipunan? Hahayaan nalang ba, na ang estado ng pamumuhay sa Pilipinas ay mananatiling lugmok sa kahirapan?
Kaya mga kabataan gumising na at imulat ang inyong mga mata, ating patunayan na tayong kabataan ang pag-asa at daan tungo sa malaking pagbabagong inaasam ng sambayanan.


  
                    Landslide….bagyo…...global warming…..climate change...Ilan lamang ito sa mga delobyong nararanasan at kinkaharap ng sanlibutan.
          Kailan lang isang mapinsalang bagyo ang pumukaw sa mga kababayan natin sa Hilagang Mindanao na dumanat ng biglang pagtaas ng tubig partikular na sa Cagayan de Oro at Iligan City noong Disyembre. Halos higit milyon ang naiwang pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong “Sendong” at maraming ari-arian ang natumba at naitaboy.Paano kaya nila sinalubong ang bagong taon ng masaya kung pasan nila ang problema at kamalasan na nangyari?                                                                                                                                                          Napag-alaman na isang posibleng dahilan ng mabilis na pagtaas ng tubig ay ang nakakalbong kabundukan na siyang gawa rin ng sangkatauhan. Wala naman tayong dapat isisi kundi ang ating mga sarili. Isa lamang ito sa mga kabayaran ng kalikasan sa ating nagawang kapabayaan. Kaya nararapat lang na atin ring maramdaman ang sakit at iyak ng kalikasan.
            Kasunod nito ay ang pagguho ng lupa na naging sanhi ng pagkamatay ng higit 25 katao sa kabundukan ng Compostela Valley. Bakit? Ano ba ang puno’t dulo ng kaganapang ito?..Hindi ba’t tao rin?..Kung walang pagmimina mangyayari kaya ang pagguho? Oo nga, ito na ang pinagkukunan ng pera at hanapbuhay ng mga kababayan natin. E, bakit hindi ba pwede na pagkatapos ng pagmina ay agad na taniman ng mga puno?...Kung sila’y nakikinabang sa lugar nararapat lang na pangalagaan rin nila ito. 
Dahil sa huli nga ang pagsisisi hindi na natin maibabalik pa ang pangyayari. Pero, may pag-asa  pang di na maulit ang ang kaganapang ito. Sana ito’y magsilbing leksyon sa atin na alamin ang mahalagang ginagampanan papel ng mga puno sa buhay nating mga tao. Kaya simula ngayon atin nang bigyang importansya  ang ating kalikasan o kabundukan nang sagayon hindi na maulit pa ang pangyayari. Nawa’y ang pagbabago ay magsisimula sa ating sarili, ngayon pa’y marami nang  senyales na nagpapahiwatig ng pagkasira ng mundo.